Mr. Dream Boy

isinulat ni: Zenith

Sinong babaeng hindi nangarap makatuluyan ang isang demi-god na nakatawang tao? Sa matangos niyang ilong, misteryosong mga mata, mga mahahabang pilik mata, sa nakakaakit na labi at higit sa lahat sa nakakasilaw niyang mga abs, sabihin mo nga sakin kung sinong babaeng hindi mahuhulog ang panty sa aprisyon na ito? Sa isang aparisyon na ginawa ng imahinasyon para magpakilig sa sambayanan at para magpainlab sa mga batang babae, matatandang babae at sa mga nagkukunwaring babae. Perpektong tao na hanggang sa pangarap lamang, nabubuhay sa isang piksiyon pero hindi kailanman umiiral sa totoong mundo.

Bilang isang simpleng tao na hindi mahilig sa mga steryotipical na bagay, ito ang mga katangian na pinapangarap ko sa aking Mr. Dream Boy.

NAKAKATAWA

May mga ilang babaeng gusto ang isang lalaking nakakatawa kaysa sa mga lalaking nagpapa “mysterious effect”. At inaamin ko rin naman na isa ako sa mga babaeng nagkakagusto sa mga ganun. Bakit natin sila nagugustuhan? Dahil simple lang, pinapasaya nila tayo sa bawat mga biro, pinapangiti tayo sa bawat mga banat at pinapainlab tayo sa kanilang mga tawa.

MAPAGMAHAL SA PAMILYA

Bilang isang babaeng mahal na mahal ang kaniyang pamilya, gusto ko rin maging katangian ito na aking pinapangarap na lalaki. Yung tipong sweet sa kaniyang nanay at mga kapatid, yung lalaking marunong sa mga gawaing bahay at marunong magluto. Hay, pwedeng asawahin nalang kita?

MAY TAKOT AT TAPAT SA DIYOS

Itong katangiang ito ang hindi dapat mawala sa aking Mr. Dream Boy. Yung tipong mga lalaking mas mahal pa ang Panginoong Diyos kaysa sayo, Heaven! San kaya ako makakakita nito?

Tandaan nating mga babae na patapon ang isang relasyon kung wala ang Diyos sa gitna nito. Tandaan rin natin na walang perpektong tao at walang perpektong relasyon. Nag aaway, may hindi pinagkakaintindihan, iba’t ibang ugali at paniniwala, normal lang naman ito sa isang relasyon.

Pero ano pinagkaiba nito sa isang makasintahan na tapat sa Diyos? Para silang punong narrang tumutubong paunti-unti, sa kahit anong unos, bagyo at trahedyang nangyari nanatili itong malakas at matayog na nakatayo.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Create a free website or blog at WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: